Thursday, March 24, 2011

*PAGKAKAMALI* by:Ian Rey Diolanto

sa minsan kong pagkakamali
nasira ang lahat ng sandali
tila ba tumigil na sa pag ikot ang mundo ko
pagkat nasaktan ko siya ng todo
nawalan na ako ng gana
pagkat ang lahat ay nawala na

nagising ako sa katotohanang akoy nag ka mali
at pinipilit kong mabago ang lahat ng sandali
na maibabalik ko pa sana
ang lahat na bagay na nawala na
kahit sa paningin pa ng iba itoy malabo na

pinipanalangin ko na sana
humupa na ang bagyo sa puso mo
na sanhi ng pag kakamali ko
kahit pa sabihin mo na gago ako
pero patuloy parin titibok ang puso ko
para lamang sayo

ang minsan kong pagkakamali
ay di na mangyayari pang muli
pagkat alam ko na ito talaga ay mali
at sana maibabalik ko pa
ang dati na tila ba nawawala na:'(